Saturday, September 24, 2011

The Sagada Trip: Day 3

Day 3

last day at Sagada… :(

Our vacation ended.. we woke up to pack things and ready ourselves to travel again back to Manila. I woke up early again 4:30 am. I packed my things, bought cinnamon roll at Navales Bakeshop. ang sarap lang big enough for 19pesos. :) and try to memorize the place as i walk. Mami-miss ko talaga ang Sagada.. Hindi pa kami nakaka-alis pero gusto ko ulit bumalik. Sooner haha

Breakfast first at Lemon Pie house sayang di nakapagpa-reserve ng maaga for the lemon pie’s or egg pie’s.. ang yummy pa naman nila..

then 10am bus trip going to Baguio..Then from Baguio to Manila.. total time 12 hours again.. (6 hours each)

our lodging house

sunrise at sagada (lodging house view) maulap kasi rainy season pa..

going to miss Sagada so much

the cold weather and calming place of Sagada

No good bye’s Sagada but see you again or till the next trip haha :)

but i would likely to go back there besides may hindi pa kami napuntahan :)

It’s been few days after at di pa rin ako nakaka-recover sa adventurous trip na yun.. parang lumulutang pa rin ang utak ko at hinahanap ulit ng katawan ko yung matinding paglalakad na yun :)

I had a great adventurous, fun trip ever!

I survived Sagada! :)

Till next time! :)

The Sagada Trip: Day 2

Day 2.

I slept early i think 9:30pm nakatulog na ako sobrang antok dahil puyat sa biyahe at sa pagod. And dahil malamig tinawag agad ako ng Bathroom para umihi at early 2:30am at di na ako nakatulog. Tssss… May curfew sa Sagada 9pm - 4 am so maaga magsara at maaga rin naman magbukas. province life talaga. Tahimik lang ang lugar, fresh ang hangin, malamig na climate and all. Nasasabi ko tuloy lagi ” Gusto ko na dito” :)

8:30 start na ng tour ulit.

First destination: Mt. Ampacao

Fresh from the Cave connection experience and muscle pains tuloy pa rin kami at sa maulang klima.. Si Sir Mal-Ek ang tour guide namin ngayon since may first aid training daw sila Sir Andrew that day. Going Up Up Up!

dahil maulan maputik ang daan at medyo madulas..wait till we go to the other side of trail mas matindi doon..

almost at the top ito ang view… usually 30 minutes ang walking trail uphill pero umabot ata kami ng 1 hour haha

few minutes after were on the top!

ito ang nakita namin hahaha

puro fog lang haha due to the weather condition super fog, malakas na hangin at malamig na rain showers ito yun! haha

Sabi ni Sir Mal-Ek from there makikita raw ang border ng Ilocos at ng Tirad Pass. awwww…hindi namin nakita.. mukhang ang ganda pa sana mag-stay kung sunny day parang nasa cartoons na Heidi o kaya sa movie na The Sound of Music haha

Bumaba na lang agad kami…

Second destination: Lake Danom (2 hours trail time)

wala na kaming gaanong pictures dahil wala ng time para gawin yun dahil sa lamig, sa pagod at sa madudulas na pababa at katakut-takot na cliff na dadaanan na medyo madulas. Winner na winner ako sa pagdulas. I fell down 5 times! winner talaga ako grabe lang! haha Sobrang haba ng nilakad na may mga tulay pa na gawa sa trunk ng tree , tapos matinik at nakakahiwang mga talahib at maputik na daanan.. Ito na ang Adventure! :)

At last Lake Danom is here! :)

ito na lang kami.. tired, hungry and dirty haha muddy kasi…haha at puro scratches ang paa at mga kamay.. parang mga paper cuts. Ouch! ang hapdi kaya!

We ate lunch na lang after then go to Bokong Falls.. But before that Dumaan muna kami sa Pottery. Cool lang… :) Then eat lunch! :)

Third Destination : Bokong Falls

malapit lang yun almost 30 minutes mula sa municipal Hall.. Maliit lang yung Bokong Falls pero maganda.. may natural pool yun…as in pabilog talaga na pool 20 ft deep daw.. ayun nakaka-engganyo mag -dive and ang sarap ng tubig. Ang lakas ng current pero okay may harang naman dahil sa pool na yun.. natural yun ha at hindi sinimento or something.. medyo madulas din..malamig sobra ang tubig pero after parang numb ka na sa lamig haha

nice jump haha

i tried for the first time to dive as in! nakaka-inggit kasi sila.. Hindi ako pala-talon sa tubig kahit sa mga swimming poools takot kasi ako pero ayun.. na-overcome ko naman na.. :)

Then back to Canaway..daan sa Church nila na Anglican..

then yung way papuntang Echo Valley.. Di na kami nakapunta kasi madulas din daw ang daan at kulang na sa oras.. not far from there football field din..sa tapat nun not far ang Canaway Resthouse

That’s Che! :)

actually at that time sumigaw si Ian dahil tinawag niya si Che na nauna nang umuwi.. Rinig na rinig at nag-echo pa na late haha so what more pa sa Echo Valley? hmmm… nakaka-excite marating.. :)

All in all nakakapagod na araw ulit..pagod pero nakakalungkot kasi the next day uuwi na kami.. That night kumain kami sa yoghurt house. ang yummy lang at ang dami na naman servings haha

4 of us ordered Banana, Granola, strawberry yoghurt

while Elysse ordered plain yoghurt and i ordered banana, granola yoghurt..

ang yummy! :)

after they ate at george’s restaurant for dinner.. (nauna yung dessert hahaha)

then kwentuhan ulit sa kwarto at tulog na..

Day 2 Ends

The Sagada Trip : Day 1

Months din bago namin na finalize na Sagada ang destination. Im not sure if it was my friend Che who thought of it or me but it was one of the places on my wish list to go and i never imagined i will go there someday haha. Sa huli 6 kaming confirmed na pupunta. :)

Quezon city ang first destination to take the bus ride from Manila to Bontoc which is 12 hours travel. feeling pa namin nung una nasa Amazing race kami its 15 minutes before 8:30 di pa namin nakikita yung terminal (lumipat kasi yung station) when we knew where it is we were like running to get there with our bags and voila were there! nakahabol pa kami pero two of my friends were still not there kinakabahan kami baka di na sila antayin but 3 mins before 8:30 nakahabol pa sila in their scrub suits or uniform haha. whew ang haba ng biyahe nakakapagod pero worth it naman kahit gabi ang biyahe may nakikita ka naman kahit paano lalo na pag pa-umaga na.(cliff, terraces, small falls and mountains and fog hahaha) Maulan pa nung pumunta kami sa sagada so we were really wishing na please make it sunny for a while napagbigyan naman kami kahit paano. :)

Nasa Mt. province na kami niyan at ito ang dinadaan..cliff na sa side.. haha

it’s like were on the other side of the mountain and after were on the other cool! :) Foggy pa yung place and super cold! :)

around 8am nasa Bontoc na kami and we passed by a parade im not sure what festival they are having.

when we were in sagada our tour guide told us that the rice plantation rituals already started so i thought that maybe its the festival they were celebrating.. i’m not really sure :)

From Bontoc, 45 minutes ride will take us to the town proper of Sagada. all over from cordillera to sagada plant terraces were really visible.

Here we are at Sagada! :)

Sa wakas nandito na rin kami! sa jeep terminal nandun na lahat.. bus terminals, municipal hall, hospital and church and the tourist information center. we register first sa tourist information center nila at nagbayad ng environmental fee(mura lang naman) then to our loding house.

DAY 1

after checking in at Canaway House diretso kain muna sa Salt and Pepper. we ate breakfast there or we can say brunch. the food was great and the servings were almost good for two nabigla nga kami eh pero naubos pa rin namin besides it’s a good thing because we never know what exhaustion we’ll get after haha.

we met our tour guide Sir Andrew of Saggas and two more Sir dennis and sir Jason who helps us a lot. as in a lot!!

First destination : Cave Conncetion

Sabi ni Sir Andrew sa cave connection more on adventure yung mga rock formations kasi nasa kabilang side sa Sumaging Cave.

entrance: lumiang burial cave

The adventures begin! :) Entrance pa lang struggling na kami haha it was my first or lahat kami first time mag-spelunking. Entrance pa lang kami medyo difficult na ang dinadaanan at nilulusutan pero along the way you are going to appreciate what you are doing. the adventure, the excitement to see the rock formations deep inside the cave and the thrill to go outside and finish the course. also the fun for 4 hours crawling, sliding, balancing, walking, swimming? haha etc

since we are still in the tail end of the rainy season ma-tubig pa sa loob. ang lakas ng falls at sobrang lamig ng tubig at ang linaw ha.. :)

here are few rock formations we saw inside.. ang daming pics pag nilagay ko lahat haha nasa sumaging na kami! :)

nakalimutan ko kung ano ito para kasing half part ng rice grain haha

asawa daw ng sirena.. ang syokoy! :)

si lolong the buwaya hehe

the terraces

the curtains

la lang…mga batu-bato along the way. ang smooth niyan at hindi madulas..

may part din dun na sa cave wall may mga fossilized na shells. They said na according to the geologist thousand of years ago sagada was underneath water at umangat lang because of volcanic eruption! Cool! ang taas-taas ng sagada feeling mo nasa langit ka na tapos noon nasa ilalim siya ng tubig? Super Cool!

ang nice lang sa loob sa haba ng nilakad, sa mga gasgas, pasa at sugat na nakuha at sa pagkasira ng aking leggings worth it naman lahat! haha

Yey! on our way out! 150 steps daw haha sobrang pagod na talaga kami niyan as in define PAGOD! we started around 1:30 and we finished it around 5:30 whew!

FUN FUN FUN!

after sa lodge bagsak lahat sa kama at super daming kinain ulit as in super dami haha then after tulog na agad. haha

Thanks to Sir Andrew, Sir Dennis and Sir Jason who help us inside as in totally help and guide us inside.

Day 1 ends