Saturday, September 24, 2011

The Sagada Trip: Day 2

Day 2.

I slept early i think 9:30pm nakatulog na ako sobrang antok dahil puyat sa biyahe at sa pagod. And dahil malamig tinawag agad ako ng Bathroom para umihi at early 2:30am at di na ako nakatulog. Tssss… May curfew sa Sagada 9pm - 4 am so maaga magsara at maaga rin naman magbukas. province life talaga. Tahimik lang ang lugar, fresh ang hangin, malamig na climate and all. Nasasabi ko tuloy lagi ” Gusto ko na dito” :)

8:30 start na ng tour ulit.

First destination: Mt. Ampacao

Fresh from the Cave connection experience and muscle pains tuloy pa rin kami at sa maulang klima.. Si Sir Mal-Ek ang tour guide namin ngayon since may first aid training daw sila Sir Andrew that day. Going Up Up Up!

dahil maulan maputik ang daan at medyo madulas..wait till we go to the other side of trail mas matindi doon..

almost at the top ito ang view… usually 30 minutes ang walking trail uphill pero umabot ata kami ng 1 hour haha

few minutes after were on the top!

ito ang nakita namin hahaha

puro fog lang haha due to the weather condition super fog, malakas na hangin at malamig na rain showers ito yun! haha

Sabi ni Sir Mal-Ek from there makikita raw ang border ng Ilocos at ng Tirad Pass. awwww…hindi namin nakita.. mukhang ang ganda pa sana mag-stay kung sunny day parang nasa cartoons na Heidi o kaya sa movie na The Sound of Music haha

Bumaba na lang agad kami…

Second destination: Lake Danom (2 hours trail time)

wala na kaming gaanong pictures dahil wala ng time para gawin yun dahil sa lamig, sa pagod at sa madudulas na pababa at katakut-takot na cliff na dadaanan na medyo madulas. Winner na winner ako sa pagdulas. I fell down 5 times! winner talaga ako grabe lang! haha Sobrang haba ng nilakad na may mga tulay pa na gawa sa trunk ng tree , tapos matinik at nakakahiwang mga talahib at maputik na daanan.. Ito na ang Adventure! :)

At last Lake Danom is here! :)

ito na lang kami.. tired, hungry and dirty haha muddy kasi…haha at puro scratches ang paa at mga kamay.. parang mga paper cuts. Ouch! ang hapdi kaya!

We ate lunch na lang after then go to Bokong Falls.. But before that Dumaan muna kami sa Pottery. Cool lang… :) Then eat lunch! :)

Third Destination : Bokong Falls

malapit lang yun almost 30 minutes mula sa municipal Hall.. Maliit lang yung Bokong Falls pero maganda.. may natural pool yun…as in pabilog talaga na pool 20 ft deep daw.. ayun nakaka-engganyo mag -dive and ang sarap ng tubig. Ang lakas ng current pero okay may harang naman dahil sa pool na yun.. natural yun ha at hindi sinimento or something.. medyo madulas din..malamig sobra ang tubig pero after parang numb ka na sa lamig haha

nice jump haha

i tried for the first time to dive as in! nakaka-inggit kasi sila.. Hindi ako pala-talon sa tubig kahit sa mga swimming poools takot kasi ako pero ayun.. na-overcome ko naman na.. :)

Then back to Canaway..daan sa Church nila na Anglican..

then yung way papuntang Echo Valley.. Di na kami nakapunta kasi madulas din daw ang daan at kulang na sa oras.. not far from there football field din..sa tapat nun not far ang Canaway Resthouse

That’s Che! :)

actually at that time sumigaw si Ian dahil tinawag niya si Che na nauna nang umuwi.. Rinig na rinig at nag-echo pa na late haha so what more pa sa Echo Valley? hmmm… nakaka-excite marating.. :)

All in all nakakapagod na araw ulit..pagod pero nakakalungkot kasi the next day uuwi na kami.. That night kumain kami sa yoghurt house. ang yummy lang at ang dami na naman servings haha

4 of us ordered Banana, Granola, strawberry yoghurt

while Elysse ordered plain yoghurt and i ordered banana, granola yoghurt..

ang yummy! :)

after they ate at george’s restaurant for dinner.. (nauna yung dessert hahaha)

then kwentuhan ulit sa kwarto at tulog na..

Day 2 Ends

No comments:

Post a Comment